--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanatili ang maigting na security measure ng Ramon Police station sa bawat Polling precincts sa Bayan ng Ramon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin ang hepe ng Ramon Police Station, sinabi niya na 100 percent deployed na ang lahat ng mga Personnel ng Ramon PNP maliban pa sa police visibility sa mga lansangan at PNP checkpoints.

May naipadala naring karagdagang pwersa ang IPPO sa Ramon para makatuwang sa seguridad habang ginagawa ang halalan.

Mananatiling nakabantay ang Ramon Police Station sa mga hindi inaasahang pangyayari para maiwasana ang anumang aberya ngayong halalan partikular ang seguridad ng mga kandidato.

--Ads--

Mula January 12 hanggang sa kasalukuyan ay wala ania silang naitalang anumang election related incident sa naturang Bayan na bunga ng masigasig na hakbang ng PNP para tiyakin ang maayos na halalan ngayong araw.

Samanatala wala ring naitalang mga lumabag sa umiiral na Liqour Ban at Money Ban ang kanilang hanay.