--Ads--

CAUAYAN CITY-Nagtala ng  panibagong  44  na  COVID 19 positive  ang Region 2 ngayong araw  kaya  umakyat na sa 4,306  ang kabuoang bilang ang naitalang positibo sa virus.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan inihayag ni Health Promotion Education Officer Pauline Kieth  Atal ng DOH region 2 na umakyat na rin sa 569   ang active cases at  sampong recoveries at tatlong naidagdag na nasawi.

Sinabi pa ni   Health Promotion Education Officer   Atal na ang total recoveries ay umaabot na sa 3,670 at umakyat na rin sa  animnaput pitu ang nasawi dahil sa virus.

Ang naitalang isang namatay ay mula  sa Cabagan, Isabela, isa rin sa Ballesteros, Cagayan habang ang isa ay mula  sa Bambang, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Ang namatay sa Cabagan ay mayroong commorbidities  pangunahin na ang Colon cancer at ovarian cyst.

Habang ang nasawi  sa bayan ng Ballesteros ay mayroong diabetes  at  ang namatay  sa Bambang ay dulot ng aksidente kung saan lumabas na  positibo  COVID-19 nang isailalim sa swab test.

Lumabas din sa talaan ng DOH na karamihang nasawing pasyente ay mayroong  ng  comorbidities.

Ang bahagi ng pahayag ni Health Promotion Education Officer Pauline Kieth  Atal