--Ads--
Bumaba sa $2.79 bilyon ang remittances ng mga overseas Filipinos noong Pebrero, ang pinakamababa sa loob ng siyam na buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Bagama’t mas mataas pa rin ng 2.6% kumpara noong nakaraang taon, mas mababa ito kumpara sa $3.02 bilyon noong Enero.
Ayon sa BSP, $2.25 bilyon ang mula sa land-based workers at $530 milyon mula sa sea-based workers.
Sa kabuuan, nananatiling pangunahing pinanggagalingan ng remittances ang United States, kasunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, at United Kingdom.
--Ads--










