Hindi pa gaanong ramdam ng ilang tricycle driver sa Cauayan City ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay tricycle driver Juanito Pilar Jr., sinabi niyang nakatutulong ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel dahil nababawasan ang kanilang puhunan sa bawat pasada.
Gayunman, hindi pa rin umano sapat ang natitipid sa gasolina upang mabawi ang iba pa nilang gastusin gaya ng pagkain, maintenance at pagpapalit ng piyesa ng kanilang sasakyan.
Ayon kay Pilar, kailangan nilang pag-ingatan ang kinikita sa pamamasada upang may matira para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Umaasa naman ang mga driver na magpapatuloy ang pagbaba o mananatiling mababa ang presyo ng petrolyo upang mabawasan ang kanilang gastos sa araw-araw na pamamasada.











