--Ads--

Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na nananatili sa infirmary ng Quezon City Jail sa Payatas si dating House Speaker Martin Romualdez matapos ilipat doon mula sa PGH nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Remulla, kasama ni Romualdez sa non-airconditioned na kuwarto ang tatlong iba pang persons deprived of liberty o PDL.Nakasalalay naman sa pagsusuri ng mga doktor kung hanggang kailan siya mananatili sa infirmary.

Maaari ring dalawin ni Romualdez ang kanyang personal na doktor mula ala-1 hanggang alas-5 ng hapon, maliban tuwing Lunes.