--Ads--
Malapit nang magsampa ng kasong plunder ang Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Hulyo 17, na nagsabing nasa yugto na ng preliminary investigation ang kaso laban kay Romualdez.
Ayon kay Remulla, maingat nilang binubuo ang kaso upang matiyak na matibay ang ebidensiya at hindi ito madaling mabuwag sa oras na umusad sa korte.
Matatandaang una nang tinukoy ng Office of the Ombudsman si Romualdez bilang umano’y “purported mastermind” sa kontrobersiya kaugnay ng mga proyekto sa flood control.
--Ads--










