--Ads--

Magbabalik sa Africa ang Formula One Grand Prix sa unang bahagi ng dekada 2030 matapos makipagkasundo ang pamunuan ng F1 sa Rwanda para sa sampung taong hosting deal.

Gaganapin ang karera sa bagong circuit na itatayo sa Bugesera, Rwanda, kapag nakumpleto na ang pasilidad.

Ayon kay F1 president Stefano Domenicali, mahalagang hakbang ito upang maibalik ang karera sa Africa at mapalawak ang abot ng motorsport sa buong mundo.

Huling nagdaos ng F1 race sa kontinente ang South Africa noong 1993, kung saan nagwagi si Alain Prost.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Rwandan President Paul Kagame na inaasahan nilang magsisilbing daan ang kasunduan upang magkaroon pa ng iba pang karera ng F1 sa Africa.

Gayunman, binatikos ng ilang grupo ang paggamit ng Rwanda sa malalaking sporting event upang pagandahin ang imahe nito sa kabila ng mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao.