--Ads--

Mas mataas ng 45% ang kinikita ng mga government worker sa Pilipinas kumpara sa mga katumbas nilang empleyado sa pribadong sektor, ayon sa World Bank.

Batay sa ulat ng WB, mas malaki ang public-private pay gap sa Pilipinas kumpara sa average na 4% sa East Asia and Pacific region.

Ayon sa World Bank, mahigit doble ang government wage bill mula 2015 hanggang 2023, na pangunahing dulot ng pagtaas ng sahod sa halip na paglaki ng bilang ng mga kawani.

Tumaas naman ng mahigit 60% ang average salaries sa gobyerno sa parehong panahon dahil sa mga tranche ng Salary Standardization Law.

--Ads--

Gayunman, sinabi ng World Bank na hindi nito tinukoy kung sobra o sapat ang laki ng workforce o wage bill ng pamahalaan.

Sa halip, binigyang-diin ng ahensya ang pangangailangan na palakasin ang mga sistema sa pamahalaan para maging mas episyente at produktibo ang paggamit ng pondo.