--Ads--
Inaasahang tataas ng average na 5.3 porsyento ang sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas sa 2027, ayon sa pag-aaral ng global professional services firm na Aon plc.
Bahagya itong mas mataas sa 5% salary increase na aktuwal na ipinagkaloob ng mga kumpanya ngayong taon.
Gayunman, nananatiling mataas ang employee turnover sa bansa na umabot sa 17.3 porsyento ngayong 2026, dahilan upang patuloy na pagtuunan ng mga kumpanya ang pagpapanatili ng skilled workers sa gitna ng lumalawak na paggamit ng artificial intelligence o AI.
Ayon sa ulat, hindi lamang sahod ang dapat tutukan ng mga kumpanya kundi maging ang career development, oportunidad sa pag-angat sa trabaho at iba pang paraan upang mahikayat ang mga skilled worker na manatili sa bansa.
--Ads--











