--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagdududa na ang pamahalaan ng Tanzania sa accuracy ng coronavirus disease (COVID-19) Testing kits na ipinapadala sa kanilang bansa.

Ito ay makaraang nagpositibo sa COVID-19 ang ipinadala nilang samples ng halaman, tupa at baboy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Rufil Clamano, negosyante sa Tanzania na noong nagsalita si Tanzanian President John Magufuli sa kanilang bansa ay inamin nito na kinunan nila ng samples ang ilang halaman, tupa at baboy na nilagyan nila ng mga pangalan ng tao at nagpositibo sa virus.

Duda na anya siya sa mga testing kits na galing kay Chinese businessman Jac Ma at sa World Health Organizations.

--Ads--

Dahil dito nanindigan ang Pangulo ng Tanzania na hindi ilolockdown ang kanilang bansa.

Tinig ni Gng. Rufil Clamano.