--Ads--

Idineklara ng Fifth Division ng Sandiganbayan bilang fugitives from justice ang tatlong indibidwal na kapwa akusado ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa kasong may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga ito sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) materials engineer Timogen Sacar at Sunwest board members Anthony Ngo at Consuelo Aldon.

Batay sa desisyon ng korte, hindi pa rin naipatutupad ang mga warrant of arrest laban sa tatlo na inilabas noong Nobyembre 2025.

Dahil dito, iniutos din ng Sandiganbayan sa Department of Foreign Affairs ang pagkansela sa kanilang mga pasaporte upang mapigilan ang posibleng pagbiyahe sa ibang bansa.

--Ads--

Nahaharap ang tatlo sa mga kasong malversation of public funds at graft kaugnay ng umano’y iregularidad sa ₱289.4-milyong road dike project sa Mag-Asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro.