--Ads--
CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kaso ang isang opisyal sa Nagtipunan, Quirino na lumabag sa protocol sa pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Metro Manila.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dante Balao, chairman ng Joint Regional Task Force on COVID 19, sinabi niya na kinasuhan na ang isang kasapi ng Sangguniang Bayan Member ng Nagtipunan, Quirino matapos mahuli sa checkpoint sa Dalton Pass, Sta. Fe, Nueva Vizcaya.
Ginamit umano ng SB Member na hindi kinilala ni Regional Director Balao ang sasakyan ng gobyerno sa pagsundo sa mga LSI sa Metro Manila
Siya ay kinasuhan ng Joint Task Force Coronavirus Shield dahil sa kawalan ng mga kailangang dokumento sa pagsundo sa mga LSI.
--Ads--






