--Ads--

Pag-aaralan na ng Senado ang posibleng pagbabago sa iskedyul ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte upang mahabol ang target na matapos ito bago ang Disyembre 2026.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, naaantala ang mga pagdinig dahil sa sunod-sunod na masamang panahon at mahahabang pagtatanong sa mga testigo.

Sinabi ni Gatchalian na target nilang matapos ang paglilitis bago ang Disyembre, ngunit kung magpapatuloy ang kasalukuyang takbo ng mga pagdinig, posible pa itong umabot sa susunod na taon.