Hindi umano nakaranas o nang-bully ang 16-anyos na shooter sa Banga National High School sa South Cotabato, ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla.
Ayon kay Remulla, nagbago ang estudyante matapos umano itong maimpluwensiyahan ng isang grupo sa dark web. Sinabi niyang naging interesado ito sa satanism at glorification of mass murder.
Napansin ng mga magulang ang pagbabago kaya dinala nila ito sa psychologist noong Abril. Bagama’t pansamantalang kumalma, sinabi ni Remulla na hindi umano nawala sa isip ng estudyante ang impluwensiya ng grupong nakilala nito online.
Nakikipag-ugnayan ngayon sa mga awtoridad ang mga magulang ng shooter.
Noong Setyembre 18, dalawang estudyante ang nasawi at iba pa ang nasugatan matapos ang pamamaril sa Banga National High School. Nagpakamatay din ang suspek matapos ang insidente.











