
CAUAYAN CITY – Kulong ang isang security guard matapos bugbugin ang kapwa security guard sa Dubinan West.
Ang pinaghihinalaan ay si Jose Cauinian, 38-anyos, may asawa at residente ng Sinsayon, Santiago City habang ang biktima ay si Solon Mariano Jr., 26-anyos, binata, pansamantalang nakatira sa Dubinan West, Santiago City at kapwa Security Guard ng isang Gasoline Station.
Batay sa pagsisiyasat ng Santiago City Police Office (SCPO) Presinto Dos, nakaduty ang dalawa nang nagkaroon ng sagutan matapos sitahin ni Mariano si Cauinian.
Sinugod naman ni Caunian si Mariano at sinuntok dahilan para magtamo ng sugat sa ulo at mukha ang biktima.
Napag-alaman na nasa impluwensiya ng alak si Mariano nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Presinto Dos si Cauinian na mahaharap sa kasong alarm and scandal.










