CAUAYAN CITY – Inamin ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 na marami ang sangkot sa iligal na droga na mula sa sektor ng transportasyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Joel Plaza ng PDEA region 2, sinabi niya na ginagamit ang ilang indibidual mula sa sektor ng transportasyon para madaling maibiyahe ang iligal na droga.
Dahil dito, naglatag na sila ng inspection unit sa mga airport at seaport sa rehiyon dos na susuri sa kargamento ng bawat mananakay sa pamamagitan ng kanilang K9 dog.
Kung sa land transportation naman ay malaking tulong ang magandang ugnayan nila sa hanap ng Philippine National Police (PNP).
Hinimok ni Regional Director Plaza ang publiko na suportahan ang drug clearing program ng PDEA katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.











