--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa halos 3 billion pesos ang  nalugi sa sektor ng turismo sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Fanibeth Domingo, officer-in-charge ng Department of Tourism (DOT) region 2, sinabi niya simula pa noong buwan ng Hunyo ay nasa 3 billion na ang nawala sa sektor ng turismo sa rehiyon dulot ng Coronavirus (COVID-19).

Unti-unti na aniyang nagbubukas ang ilang hotel sa rehiyon mula noong buwan ng Hulyo dahil sa pagbaba ng quarantine measures na ipinapatupad ng pamahalaan tulad sa mga coastal towns ng Isabela.

Gayunman, dahil marami pa ring naitatalang positibong kaso ng COVID-19, hindi pa batid ng DOT region 2 kung kailan ganap na bubuksan ang turismo sa rehiyon.

--Ads--

Ang binuksan pa lamang sa ikalawang rehiyon ay ang mga tourist attractions na walang naitalang COVID-19 cases.

Umaasa ang DOT region 2 na mapababa na ang kaso ng virus sa rehiyon upang ganap nang makapagbukas ang sektor turismo at makabangon sa matinding epekto ng COVID-19.

Ang pahayag ng OIC ng DOT region 2 Fanibeth Domingo.