--Ads--

Kinumpirma ng NBI na pag-aari ng kamag-anak ni Senador Robin Padilla ang bahay sa Angeles City, Pampanga na sinalakay ng PNP-CIDG kaugnay sa impormasyon na posibleng doon nagtatago si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, natukoy nila ang kaugnayan ng bahay sa pamilya ni Padilla matapos ma-verify ang ilang sasakyang nakarehistro sa naturang address.

Gayunman, hindi natagpuan si Senador dela Rosa sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad.

Samantala, naghahanda na rin ang NBI na ipatawag at imbitahan para sa imbestigasyon ang ilang personalidad na huling nakita at nakausap ni Senador dela Rosa bago ito pinaghahanap ng mga otoridad.

--Ads--