--Ads--

Walang naitalang pagbiyahe palabas ng bansa si Senator Ronald dela Rosa, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ay kasunod ng hindi paglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa petisyong inihain ng kampo ng senador na naglalayong pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, walang anumang recent recorded travel history si Dela Rosa hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa susunod na hakbang matapos ibasura ang kahilingan para sa TRO.

--Ads--

Nauna nang sinabi ng DOJ na bagama’t kinikilala ng pamahalaan ang bisa ng ICC warrant at maaaring maaresto ang senador, ito ay ipatutupad lamang kung susubukan niyang umalis ng bansa o kung maglalabas ng desisyon ang Korte Suprema na pabor sa estado.