--Ads--

Idinepensa ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang mga hakbang ng mayorya sa Senado sa gitna ng mga batikos hinggil sa panukalang pagbabago sa mga patakaran ng institusyon.

Sa isang Facebook Live, nilinaw ni Cayetano na nananatiling nakatuon ang kanilang trabaho sa maayos na pamamahala at kapakanan ng publiko, at walang kinalaman sa anumang uri ng political maneuvering.

Iginiit niya na naroon sila upang ayusin ang mga may depekto sa sistema at hindi para magdagdag ng problema sa mga Pilipino.

Binigyang-diin din ng Majority Leader ang pangangailangan ng mas malalim na reporma, tunay na pananagutan, at sistemikong pagbabago upang tuluyang mapigilan ang katiwalian sa pamahalaan.

--Ads--