--Ads--

Inihayag ni Sen. Panfilo Lacson na plano ng Senate majority bloc na italaga si Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court kapag muling nagtipon ang Senado bilang impeachment court.

Sinabi ni Lacson na napipisil si Escudero para sa posisyon dahil sa kanyang pagiging abogado at karanasan sa mga impeachment proceedings. Aniya, ito ang napagkasunduan ng kanilang grupo, bagama’t maaari pa itong magbago.

Dagdag pa niya, maging si Sen. Sherwin Gatchalian ay sumuporta sa mungkahing italaga si Escudero bilang presiding officer.

Samantala, kinumpirma ni Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri na hindi tinanggap ni Escudero ang alok na maging Senate President Pro Tempore, kahit siya umano ang unang napiling kandidato para sa naturang posisyon.

--Ads--