--Ads--

Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng audit sa generation charges ng kuryente, partikular sa mga gastusing may kaugnayan sa presyo ng petrolyo na ipinapasa sa mga konsyumer.

Ayon kay Gatchalian, ang generation charge ang bumubuo sa humigit-kumulang 60 porsiyento ng kabuuang singil sa kuryente at siyang pinakamalaking bahagi ng electric bill. Ito ang bayad para sa produksiyon ng kuryente mula sa mga planta ng enerhiya.

Binigyang-diin ng senador na kung nais mapababa ang singil sa kuryente, mahalagang matiyak na tama, makatarungan at sapat na nasusuri ang mga gastusing nakapaloob sa generation charges.

Aniya, tila walang regular na cost audit sa naturang singil, kabilang ang mga gastos sa pagbili ng petrolyo at iba pang gastusin na direktang ipinapasa sa mga consumer.

--Ads--

Dahil dito, naghain din si Gatchalian ng isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ng Senado ang kawalan ng regular na cost audit sa generation charges upang matiyak na napoprotektahan ang interes ng mga konsyumer.