Ipinahayag ni Senador Imee Marcos na “non-existent” o hindi na sila nagkakaroon ng ugnayan ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang press conference sa Mandaue City, sinabi ng senadora na mahigit isang taon na niyang hindi nakikita ang Pangulo at mas pinipili na rin niyang hindi dumalo sa mga family reunion, habang hinahayaan na lamang ang kanyang mga anak kung nais nilang pumunta.
Sa kabila ng malamig na relasyon, sinabi niya na patuloy pa rin siyang nagmamalasakit sa kanyang kapatid at umaasa na mas tututukan nito ang kalusugan.
Dagdag pa niya, nananatili siyang malapit sa kanilang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos at bumibisita tuwing may espesyal na okasyon tulad ng anibersaryo ng kasal ng kanilang mga magulang tuwing Mayo 1.
Pinabulaanan din ng senadora ang mga kumakalat na maling balita online na nagsasabing pumanaw na ang Pangulo.











