Ibinunyag ni Senator Imee Marcos na may umano’y alok na “incentive package” para sa ilang kongresista kaugnay ng kanilang boto sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Marcos bago ang nakatakdang plenary voting sa Kamara sa Mayo 11, kabilang umano sa alok ang ₱5 milyon para sa mga boboto ng “yes,” karagdagang ₱3 milyon na buwanang MOOE, at ₱150 milyong halaga ng mga proyekto.
Dagdag pa niya, ang mga boboto naman ng “no” ay maaaring hindi mabigyan ng pondo at posibleng maharap pa sa mga kaso.
Sa kanyang pahayag, sinabi rin ng senadora na wala umanong alok sa mga senador at tanging mga kongresista lamang ang tinukoy, na aniya ay “carrot and stick” na sistema.
Itinanggi naman ni House Committee on Justice Chairperson Rep. Gerville Luistro ang naturang alegasyon.










