--Ads--

Ipinagbawal ng Senate impeachment court nitong Miyerkoles sa mga senator-judge at abogado ng prosecution at defense ang pagbibigay ng komento sa merito ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate Presiding Officer Francis Escudero, alinsunod ito sa Rule 18 ng Rules on Impeachment na naglalayong maprotektahan ang integridad ng paglilitis at maiwasan ang “trial by publicity.”

Sa unang paglabag, papatawan ng matinding reprimand at pagsaway sa open court na ilalagay sa rekord.

Sa ikalawang paglabag at mga susunod pa, pagmumultahin ng P30,000 ang lalabag.

--Ads--

Kung abogado ang sangkot, maaari ring i-refer ang kaso sa Office of the Bar Confidant, IBP o Supreme Court para sa posibleng disciplinary action.

Nilinaw ni Escudero na prospective ang ruling kaya hindi saklaw ang mga pahayag bago Agosto 26. Hindi rin kasama sa pagbabawal ang mga spokesperson ng prosecution at defense.

Maaari pa ring ilahad ng mga abogado ang kanilang factual at legal arguments, basta nakabatay sa ebidensya at maayos na pananalita.