--Ads--

Wala umanong opisyal na rekord na magpapatunay na may isinagawang insertions o amendments si Senador Jinggoy Estrada sa 2025 national budget, ayon sa Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO).

Sa liham nito sa Office of the Ombudsman na may petsang Abril 13, sinabi ng LBRMO na hindi nila maibigay ang ilang hinihinging dokumento dahil wala umanong direktang rekord na nag-uugnay sa senador sa mga sinasabing pagbabago sa budget.

Ayon pa sa ahensya, ang mga panukalang amendments ay dumaraan sa Senate Committee on Finance at kapag naaprubahan sa plenaryo, itinuturing itong pag-aari ng institusyon at hindi ng isang indibidwal na senador.

Nauna nang naiuugnay si Estrada sa alegasyong tumanggap ng umano’y kickback kaugnay ng mga proyekto ng DPWH, na mariin niyang itinanggi.

--Ads--