Naghain si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ng isang resolusyon upang bigyang-parangal ang Filipino-American basketball player na si Jordan Taylor Clarkson dahil sa kanyang makasaysayang tagumpay sa 2026 NBA Championship Finals.
Siya ang kauna-unahang may dugong Pilipino na nakapagwagi ng kampeonato sa NBA.
Layunin ng Senate Resolution No. 463 na pormal na kilalanin ang New York Knicks shooting guard dahil sa kanyang “extraordinary achievement” at sa malaking ambag nito sa tagumpay ng koponan.
Ayon sa resolusyon, “NOW, THEREFORE, BE IT RESOLVED, as it hereby resolved, that the Senate of the Philippines congratulate and commend Jordan Taylor Clarkson for his historic win in the 2026 NBA Championship Finals, making him the first Filipino NBA Champion, cementing Filipino achievements in the hallowed history of the NBA, and paving the way for future generations of Filipino athletes.”
Si Clarkson, na dati nang kumatawan sa Pilipinas sa Gilas Pilipinas noong 2018 Asian Games at 2023 FIBA Basketball World Cup, ay kinikilala rin bilang isa sa pinakamatagumpay na Filipino basketball player sa kasaysayan, ayon sa resolusyon.











