--Ads--
Inamin ni Senador Raffy Tulfo na umaasa siyang may dalawang senador mula sa majority bloc ang lilihis ng landas at sasama sa minority bloc dahil sa kawalan ng tiwala sa mga polisiya ng mayorya.
Sa kasalukuyan, kapwa may 11 miyembro ang dalawang paksyon.
Ang planong paglipat na ito ay inaasahang magpapabagsak sa liderato ng Senado dahil lalamang sa numero ang minorya, na maaaring magbunga ng malawakang balasahan sa mga posisyon.











