Pinaikli ng Senado ang oras ng trabaho nitong Lunes dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at sa umiiral na Red Rainfall Warning sa Metro Manila.
Sa isang advisory na nilagdaan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., pinayagan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga empleyado ng Senado na umuwi simula alas-4 ng hapon.
Ang hakbang ay kasunod ng Memorandum Circular No. 127 na inilabas ng Malacañang at ng Red Rainfall Warning na itinaas sa Metro Manila dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Nauna nang iniutos ng Malacañang na magpatupad ng angkop na work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region at ilang lalawigan simula alas-12 ng tanghali.
Kabilang sa mga lugar na sakop ng kautusan ang Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon at Occidental Mindoro.










