--Ads--

Inihayag ni Senate Impeachment Court Spokesperson Reginald Tongol na walang grave abuse of discretion sa naging desisyon ng Senator-judges na ibatay ang two-thirds conviction threshold sa bilang ng mga Senador na legal at aktuwal na maaaring lumahok sa impeachment trial.

Ayon kay Tongol, dumaan sa masusing proseso ang impeachment court bago nagpasya, kabilang ang pagkonsulta sa retired supreme court justices, pagdaraos ng oral arguments at deliberations, at pagkuha ng Amici Curiae.

Dahil dito, sinabi ni Tongol na maaaring maging batayan ang mga hakbang na ito sakaling kuwestiyunin sa Supreme Court ang ruling sa pamamagitan ng rule 65 petition for certiorari.

Aniya, kailangang mapatunayan ang grave abuse of discretion na nagresulta sa kawalan o paglampas sa jurisdiction.

--Ads--

Samantala, sinabi ni House prosecution Spokesperson Benjamin Tolosa Jr na maaari pa ring dumulog sa Supreme Court ang anim na senator-judges na hindi nakalahok sa proceedings kung nais nilang gamitin ang legal remedies.

Noong Miyerkules, 13 senator-judges ang bumoto upang baguhin ang dating July 6 ruling ni Presiding Officer Chiz Escudero na nagtakda ng 16 votes bilang conviction threshold, o two-thirds ng 24 na miyembro ng Senado.