--Ads--

CAUAYAN CITY– Nadakip  sa Baler, Aurora ang isang lalaki  makalipas ang ilang taong pagtatago dahil sa kasong 2 counts of rape   sa Alfonso Castañeda , Nueva Vizcaya.

Ang  akusado ay  si Wilfredo Dela Cruz alyas Kabong,  62 anyos, may-asawa, walang trabaho,  pansamantalang naninirahan sa lalawigan ng Aurora.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Joefrey Nool,  OIC Chief Of Police ng  Alfonso Castañeda Police Station kanyang inihayag na naging matagumpay  ang pagkakadakip sa akusado sa pamamagitan ng inilatag na Manhunt Charlie na pinangunahan ng nasabing himpilan ng pulisya  katuwang ang Baler Police Staton.

Ito ay matapos magbigay ng  impormasyon ang isang concerned citizen sa pinagtataguang lugar ng akusado.

--Ads--

Sa bisa ng warrant of arrest  ipinalabas ni Judge  Jose Godofredo Naui ng RTC Branch 37, Bambang, Nueva Vizcaya na may 2 counts of rape  ay inaresto ang  akusado at  walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Nagtrabaho at namalagi noong taong 2018 ang  akusado sa bayan ng Alfonso Castañeda  at naging  malapit na kaibigan nito ang Ama ng biktima na noon ay 14 anyos   pa lamang.

Isinakatuparan umano ng akusado ang dalawang beses na panggagahasa sa biktima sa mismong tahanan ng mga ito  kapag nalalasing  ang ama ng dalagita.

Dahil aniya sa pagbabanta at pagsuhol ng akusado sa biktima ay hindi kagad nakapagsumbong  sa kaniyang ama at natuklasan  lamang ang panggagahasa nang kaibigan sa anak ng mabuntis na.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt. Joefrey Nool