--Ads--

Ipinahayag ng Sangguniang Kabataan Chairperson ng Barangay Sinsayon, Santiago City ang kanilang kasiyahan matapos maipasa ang isang ordinansa na naglalayong magtatag ng Adolescent Health Facility sa kanilang Barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Aljen Paul Uminga, SK Chairman ng nasabing barangay, sinabi niyang ang naturang ordinansa ay magbibigay ng isang ligtas at bukas na espasyo para sa kabataan at mamamayan ng barangay, kung saan maaaring makakuha ng tulong kaugnay ng pisikal at mental na kalusugan.

Layunin ng proyekto na matugunan ang iba’t ibang isyu sa kalusugan ng komunidad, lalo na sa hanay ng mga kabataan.

‎Binigyang-diin din niya na ang ordinansa ay isang pangmatagalang solusyon sa mga suliranin ng barangay, at magsisilbing konkretong hakbang upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo at suporta sa mga nangangailangan.

--Ads--

‎‎Dagdag pa niya, ang pagpapatibay ng ordinansa ay patunay ng kanilang dedikasyon na mapabuti ang kapakanan at kalusugan ng kanilang nasasakupan.