--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang City Population Office sa Lungsod ng Cauayan na isa ang social media sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa Lungsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Population Program Officer 2 Rouchel Pareja, sinabi niya na hindi kasi kontrolado ang napapanood at nakikita ng mga kabataan sa social media.

Sa pamamagitan nito ay mas mabilis na rin ang komunikasyon dahilan kung bakit nakakapag-usap ang dalawang kabataan kahit magkalayo.

Aniya, mahalaga na magkaroon ng monitoring ang mga magulang sa kanilang mga anak nang sa ganoon ay mabantayan ang mga ito lalo na sa mga masasama.

--Ads--

Sa kasakukuyan, nasa 66 percent ang itinaas ng teenage pregnancy case sa lungsod nitong nakalipas na taon.