--Ads--

Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na hindi ang taumbayan ang makikinabang sa muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay De Lima, hindi reporma ang idudulot ng paulit-ulit na postponement ng BSKE kundi lalo lamang mapalalakas ang sistemang padrino sa lokal na pamahalaan.

Dismayado rin ang mambabatas dahil aniya, muling ipinagkakait sa mga Pilipino ang karapatang bumoto at ang pagkakataon ng iba pang kwalipikadong lider na makapaglingkod sa kanilang mga komunidad.

Ito ang pahayag ni De Lima matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa BSKE na nakatakda sana sa Nobyembre ngayong taon.

--Ads--

Sinabi rin ni De Lima na masasayang ang bilyun-bilyong pisong nagastos na sa paghahanda para sa halalan dahil sa postponement.