--Ads--
Inihayag ni Senate President Tito Sotto na irerekomenda niya sa Senate Ethics Committee na hilingin kay Sen. Ronald dela Rosa na magpaliwanag kaugnay ng isinampang ethics complaint laban dito dahil sa patuloy nitong pagliban sa mga sesyon ng Senado.
Ayon kay Sotto, wala pa silang natatanggap na direktang pahayag mula kay Dela Rosa, sa kabila ng mga ulat na pinag-iisipan umano ng kampo nito na i-waive ang kanyang sahod at allowances.
Hindi na nakakadalo si Dela Rosa sa mga sesyon mula pa noong Nobyembre 2025, kasunod ng mga ulat tungkol sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court na may kaugnayan sa war on drugs.











