--Ads--

Ibinasura ng South Korean prosecutors ang hiling na arrest warrant laban sa HYBE chairman at founder na si Bang Si Hyuk kaugnay ng alegasyon ng unfair stock trading.

Ang pagbasura ay dahil umano sa kakulangan ng ebidensiya.

Ayon sa ulat ng Yonhap News Agency, sinabi ng Seoul Southern District Prosecutors’ Office na ibinalik nila ang warrant request na inihain ng pulisya laban kay Bang at inatasan ang mas malalim pang imbestigasyon.

Nauna rito, inihayag ng Seoul Metropolitan Police Agency na humiling sila ng arrest warrant laban kay Bang dahil sa umano’y paglabag sa Capital Markets Act o fraudulent unfair trading.

--Ads--

Matatandaang ni-raid ng pulisya noong Hulyo 24 ang headquarters ng HYBE, ang agency sa likod ng K-pop group na BTS.

Ang pagsalakay ay may kinalaman sa umano’y fraudulent trading na kinasasangkutan ni Bang.