--Ads--
Nag-trending ang aktres at singer na si Lea Salonga matapos niyang i-unfollow sa social media ang BTS members na sina RM at J-Hope.
Matagal nang fan ng BTS si Lea at una na siyang nagpahayag ng pagkadismaya matapos lumabas ang larawan nina RM at J-Hope kasama ang singer na si Chris Brown sa isang concert sa Toronto.
Ayon kay Lea, personal na desisyon ang pag-unfollow para sa kanyang emotional healing, at hindi ito ginawa bilang parusa sa dalawang K-pop stars. Patuloy naman niyang fina-follow ang lima pang miyembro ng BTS at nagpapasalamat sa grupong naging malaking bahagi ng kanyang buhay.









