--Ads--

Binatikos ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) dahil sa aniya’y mabagal na paghahanda laban sa epekto ng El Niño.

Ayon kay Dy, hindi katanggap-tanggap ang umano’y pagtuturuan ng mga ahensya ng pamahalaan kaugnay ng mga protocol at proseso sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig.

Iginiit ng House Speaker na kung maagap na naaksyunan ang sitwasyon, hindi na sana ngayong Hulyo lamang nagsasagawa ng cloud seeding operations ang pamahalaan.

“So hindi katanggap-tanggap, na nagtuturuan tayo dahil lang doon sa protocol na nangyayari. Kung naaksiyunan ‘to nang mas maaga, hindi ngayong July lang tayo magco-cloud seeding,” giit pa ng House Speaker.

--Ads--

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagap na koordinasyon at paghahanda ng mga kinauukulang ahensya upang mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura at sa suplay ng tubig para sa mga magsasaka.