--Ads--

Idineklara ng lokal na pamahalaan ang state of calamity sa mga barangay ng Ngingir, Mimbalawag, Inoma, at Piksan noong Hulyo 10 bunsod ng malawakang pinsalang idinulot ng kalamidad.

Batay sa pinakahuling ulat, umabot na sa pito ang bilang ng mga nasawi habang dalawa naman ang nasugatan at apat ang nawawala.

Nawasak din ang walong bahay at inilikas ang 39 na pamilya mula sa mga apektadong lugar upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Malaki rin ang naging pinsala sa sektor ng agrikultura matapos maapektuhan ang mga sakahan, habang nasira rin ang ilang kalsada at rutang dinaraanan ng mga sasakyan.

--Ads--

Dahil sa patuloy na panganib, isinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Calanogas mula Hulyo 12 hanggang 16, 2026.

Samantala, nagpapatuloy ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng food packs at hygiene kits sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa habang nagpapatuloy ang mga relief at recovery operations sa lugar.