--Ads--

CAUAYAN CITY– Ikinagulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Isabela ang pagpapasara sa Small Town Lottery (STL)  sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Branch Manager Yamashita Japinan ng PCSO Isabela, sinabi niya na isa ang STL sa programa ng PCSO at dito nanggagaling ang kanilang pondo para sa kanilang mga charity project.

Aniya, hindi niya lubos maisip kung bakit ipinasara ang STL sa Isabela.

--Ads--

Iginiit niya na bago nagbalik ang operasyon ng STL ay nasuri ng kanilang tanggapan at sumusunod naman sila sa mga panuntunang ibinaba ng Inter Agency Task Force ( IATF).

Gayunman, inamin niya na mayroon nang mga lumalabas na usapin kaugnay dito subalit naiparating na sa kanilang head office.

Tinig ni Branch Manager Yamashita Japinan ng PCSO Isabela

Sinabi pa ni Branch Manager Japinan na nakatanggap na sila ng restraining order mula sa korte.