--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasunog ang isang gusali kung saan nangungupahan ang mga may-ari ng ilang establisimiyento katabi ng Jollibee sa District 3, Cauayan City

Ito ay kinabibilangan ng Arman’s Lechon Manok , computer shop, Salon Republic at KND Japan surplus.

Nagtulungan ang mga bumbero ng maraming fire stations sa Isabela sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan City para maapula ang apoy na sumiklab dakong alas otso ng gabi.

--Ads--

Matapos ang mahigit isang oras ay naapula ang apoy at walang nadamay na katabing gusali.

Inaalam pa ng BFP Cauayan City kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga tinupok ng apoy.