--Ads--

Pinagmulta ng Department of Labor and Employment (DOLE) si dating Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin at ang Ateneo de Manila University (ADMU) dahil sa umano’y paglabag sa mga patakaran kaugnay ng work permit.

Sa desisyong inilabas nitong Martes, sinabi ng DOLE na administratibong mananagot sina Baldwin at ADMU sa magkahiwalay na paglabag sa Article 40 ng Labor Code na may kaugnayan sa Alien Employment Permit (AEP).

Pinatawan ang magkabilang panig ng tig-₱10,000 multa dahil sa hindi pagkuha ng kinakailangang AEP. Bukod pa rito, pinagbabayad din sina Baldwin at ADMU ng kabuuang ₱4.9 milyong multa dahil sa kabiguang makakuha ng Certificate of Exemption (COE).

Ayon sa DOLE, hindi nakakuha si Baldwin ng COE mula Pebrero 10, 2025 hanggang sa kanyang pagbibitiw bilang head coach noong Hunyo 15, 2026.

--Ads--

Inirekomenda rin ng ahensya sa Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa ng summary deportation proceedings laban kay Baldwin.