--Ads--

Arestado ang isang barangay tanod matapos niyang saksakin ang kaniyang chief tanod at sugatan ang kaniyang 35-anyos na misis nang umano’y maabutan silang nagtatalik sa kanilang bahay sa Purok 5, Barangay Labrador, Ormoc City.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng umaga noong Biyernes, Agosto 21, susunduin sana ng tanod ang kaniyang asawa para sa isang okasyon.

Pagdating sa kanilang bahay, narinig umano niya ang paghingal ng kaniyang misis. Sa halip na agad pumasok, sumilip siya sa butas ng dingding at nakita ang kaniyang asawa at 55-anyos na hepe na kapwa hubo’t hubad.

Sa tindi ng galit, kumuha umano ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang dalawa. Tinamaan sa dibdib ang kaniyang misis ngunit nakatakbo at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

--Ads--

Ayon sa suspek, labis siyang nasaktan dahil hindi niya inaasahang pagtataksilan siya ng kaniyang asawa, lalo na’t ang kasama nito ay malapit niyang kaibigan.

Nasa kustodiya na ng Ormoc City Police Station 2 ang suspek na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.