--Ads--

CAUAYAN CITY– Tatlo na lamang mula sa limang COVID 19 positive ang minomonitor at ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center ( CVMC) sa Tuguegarao City.

Ito ay matapos mag-negatibo na sa pangalawang SWAB test ang dalawa sa mga pasyente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center na noong araw ng Miyerkoles ay nakapagtala sila ng apat na confirmed positive case ng COVID 19.

--Ads--

Ang mga nagpositibo sa COVID 19 ang mag-asawa na mula sa Alcala, Cagayan; isang dalawampu’t isang taong gulang na residente ng Lallo Cagayan na nagtatrabaho sa Cordon, Isabela at isa pang taga Lallo, Cagayan na galing sa Quezon City.

Anya dalawa sa mga pasyente na asymptomatic ay kaagad isinailalim sa pangalawang SWAB test na nag-negatibo.

Samantala, isang,limampu’t dalawang taong gulang na midwife na taga Santa Marcela,Apayao ang positive sa COVID 19 ang ginagamot din ngayon sa CVMC.

Tinig ni Dr. Glen Matthew Baggao

Ang nasabing health worker na positibo sa COVID 19 ay inirefer ng Provincial Health Officer ng Apayao sa CVMC.