--Ads--

Tututukan ng Team Philippines ang athletics sa 2026 Asian Games ngayong Martes, Setyembre 29, sa Japan, kung saan sasabak si EJ Obiena sa pole vault at Victoria Bossong sa women’s 800 meters.

Lalaban din sina Alex Eala at Shaira Rivera sa women’s doubles tennis, habang haharap ang Alas Pilipinas Men sa Chinese Taipei sa huling laro nito sa group stage.

Nauna nang nakapag-uwi ng silver medal ang women’s sepak takraw team, dahilan upang umabot sa 15 ang kabuuang medalya ng Pilipinas.

Kabilang din sa mga sasabak ngayong araw ang mga atleta ng archery, softball, kurash, esports, padel, shooting, squash at surfing.

--Ads--