--Ads--
Nagpaalala ang Teacher Education Council o TEC sa mga guro at publiko na maaari nang ireport ang mga tinatawag na “diploma mills” sa graduate programs para sa teacher education.
Hinikayat ng TEC ang mga guro na magsumbong kung may nalalamang Teacher Education Institution o TEI na nag-aalok umano ng mga programang hindi sumusunod sa mga itinakdang pamantayan.
Maaaring isumite ang mga sumbong sa Philippine Information for Learning Institutions and Teacher Education o PHILTER sa opisyal na website ng TEC.
Layunin ng hakbang na matukoy at matugunan ang mga kahina-hinalang graduate program na maaaring makaapekto sa kalidad ng teacher education.
--Ads--
Sa mga nais magreport, bisitahin lamang ang link sa baba.





