--Ads--

CAUAYAN CITY– Planong buoin sa ilalim ng Committee on Agriculture sa Isabela ang isang technical working group upang hindi na maulit ang matinding pagbaha na nararanasan sa Isabela at Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlalawigan member Adrian Philip Baysac, Sectoral Representative on Agriculture, sinabi niya na isa sa napag-usapan sa isinagawa nilang committee hearing kahapon ay ang pagkakaroon ng technical working group.

Ang magiging miyembro nito ay ang PAGASA, pamunuan ng magat dam, PDRRMC, Provincial Boards Members at Provincial Agriculture Office.

Magtutulungan aniya ang mga ito para maiwasan ang sisihan at hindi pagkakaintindihan sa panahon ng kalamidad.

--Ads--

Bukod dito ay gusto rin nilang isama sa technical working group ang universal leaf group dahil mayroon silang software na flood simulation.