--Ads--

Pinagtibay ng Malacañang ang buong tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng mga alegasyon na may umano’y hitman na konektado sa seguridad ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, nananatiling matatag ang kumpiyansa ng Pangulo sa AFP, kasunod ng pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniimbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng isang security detail sa umano’y plano ng assassination.

Sinabi rin ng Palasyo na hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon at hindi na kailangang ilahad ang lahat ng detalye habang nagpapatuloy ang proseso.

Sa hiwalay na pagdinig sa Kamara, iniulat ng NBI ang impormasyon tungkol sa umano’y banta laban sa Pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno, habang iginiit ng Malacañang na trabaho ng Kongreso ang pagbusisi sa mga isyung lumalabas sa impeachment proceedings.

--Ads--