--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang lalaking tinaguriang Number 2 Most Wanted Person dahil sa kasong panggagahasa sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Ernie Cruz, Chief of Police ng Kasibu Municipal Police Station sinabi niya na noong ikaapat ng pebrero ay naiwan ang menor de edad na biktima sa bahay ng kanyang tita na kapitbahay lamang ng pamilya ng biktima dahil mayroong pinuntahan ang kaniyang mga magulang.

Aniya dito na sinamantala ng kanyang tiyuhin ang pagkakataon at inaya ang biktima sa bukid kung saan niya isinagawa ang panghahalay.

Ayon sa hepe tinakot pa umano ng akusado ang biktima dahilan kaya’t hindi umano siya nakapagsumbong kaagad subalit pagkaraan ng ilang araw ay nagsumbong din ito sa kanyang ina.

--Ads--

Kaagad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang pamilya ng menor de edad at inireklamo ang sarili nilang kaanak.

Nasa kustodiya ng Kasibu Municipal Police Station ang akusado.