--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling isasagawa ang malawakang paglilinis sa Isabela sa pamamagitan ng programang  ‘Todas Dengue, Todo na ito ika-7 Kagat’.

Sa inilabas na Executive Order 26-2020 ni Governor Rodito Albano, ang  lahat ng  mga pampubliko at pribadong tanggapan sa Isabela ay kailangang makibahagi  sa malawakang paglilinis sa June 12, 2020 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Hinihikayat ang lahat  ng mga mamamayan, mga opisyal at kawani ng  pamahalaan at mga pribadong tanggapan na makiisa sa programa para mahadlangan ang paglaganap ng sakit na dengue sa Isabela.

Layunin nito na malinisan ang mga breeding sites o pinangingitlugan ng mga lamok na nagdudulot ng dengue at iba pang sakit na dulot ng mga pesteng lamok.

--Ads--